Papel ng Isang Tulad ko
"Anong layunin?", " Bakit nga ba kailangan kong tapusin ang aking pag-aaral?" Ilan lamang yan sa mga tanong na madalas pumasok sa aking isipan. Ako'y isang batang may pangarap, mga pangarap na kailangang pagsikapan, mga pangarap na...oo alam ko mahirap nga itong abutin, pero wala akong magagawa alam ko kasi na kahit anong hirap pa ang aking pagdaanan ang magiging magandang bunga nito ay para rin sa akin at sa aking pamilya. Ang edukasyon ay isa sa magiging susi sa pagkamit ng tagumpay, bakit? dahil ang edukasyon ang magbibigay saakin ng mga kaalamang magagamit ko sa pag pag-abot ng mga pangarap at makakatulong ito upang mapaunlad ang aking sarili.
Ipapakilala ko ang aking sarili, ang masasabi ko ako ay hindi gaanong matalino pero patuloy akong lumalaban para makapagtapos ng pag-aaral, dahil naniniwala ako na hindi naman sukatan ang talino para masabi mo kung ikaw ay may mararating sa buhay o wala. Tayo ay nag-aaral para magkaroon tayo kaalaman, kaalaman na magagamit natin upang paunlarin ang ating sarili patungo sa maayos na bersyon ng ating buhay. Uulitin ko ang tanong ko sa aking sarili "Bakit nga ba kailangan kong tapusin ang aking pag-aaral?". Marami akong dahilan pero babanggitin ko na lamang ang ilan, una sa lahat ay nais kong suklian ang paghihirap na sinakripisyo ng aking mga magulang upang ako'y mapag-aral, nais ko silang mabigyan ng maayos na buhay, ikalawa ay nais ko din na mabigyan ng magandang buhay ang aking sarili. Siguro'y isasama ko na din na ibig kong ipakita sa mga may matang mapanghusga na sa kahit anong hirap ng aming buhay ay makikita nila ang ako sa hinaharap ay nakapagtapos na ng pag-aaral.
Alam kong marami pang taon bago matapos ang aking pag-aaral pero parang mabilis lang din lumipas ang mga taon, parang kailan lang ay nasa kindergarten pa lamang ako pero ngayon ako ay isang mag-aaral mula sa Mataas na Paaralan ng Sta. Lucia kasalukuyang nasa Senior High School. Malayo na ang aking nilakbay at hindi pa rito natatapos ang lahat ng iyon, mas malayo pa ang dapat kong lakbayin at mas marami pa akong matututunan sa aking mga karanasan.
No comments:
Post a Comment