Ang Bawat Hakbang ay Pagsubok
Ang aking nabunot na kasabihan ay Ang buhay ay parang saranggola kailangang hawakan ng maayos para hindi hindi lumipad kung saan-saan. Sa kasabihang ito ang saranggola ay sumisimbolo sa mga pangarap at ang hangin naman ay sumisimbolo sa mga pagsubok na ating kakaharapin sa pag-abot ng ating mga pangarap. Alam kong hindi lamang ako ang may mga pagsubok sa buhay ngunit pati ang ibang tao ay nakakaranas ng mga pagsubok bago maabot ang kanilang mga pangarap.
Kahit ako'y isang mag-aaral pa lamang marami na din akong pagsubok na napagdaanan. Isa sa mga pagsubok na ito ay ang pagpili ko ng strand sa Senior High School, hindi madali ito para sa akin dahil hindi ko maiiwasan ang makaramdam ng pressure mula sa aking pamilya. Nahirapan ako dahil iba ang gusto nilang pangarap para saakin habang ako sa sarili ko alam kong iba ang gusto ko, dahil ang gusto ko ay maging isang guro kaya dapat HUMSS ang aking pinili ngunit ang nais ng aking mga magulang ay ako'y maging isang engineer kaya mas pinili ko na lamang ang maging STEM student. Hindi ko maiwasang mangamba na baka hindi ko kaya makipagsabayan sa iba, na baka mababa ang mga marka na makuha ko dahil hindi ko naman hilig ang Math at Science. Ako ngayon ay masaya kahit papaano dahil nakakakuha naman ako ng mga pasadong marka sa lahat ng asignatura at ang gagawin ko na lamang ay i-enjoy ang aking buhay bilang isang mag-aaral at dapat ay pagbutihan ko pa ang aking pag-aaral.
Sa buhay hindi mawawala ang mga pagsubok, kahit gaano man kalaki o kaliit ang mga pagsubok ito ay laging mayroong solusyon. Hindi dapat nating gawing hadlang ang mga pagsubok upang sukuan natin ang ating mga pangarap bagkus gawin pa natin itong inspirasyon upang mas maging matatag tayo sa pag-abot ng ating mga pangarap.
No comments:
Post a Comment