I. Panimula
A.Pamagat
Ang pamagat ng librong aking binasa ay Hell University na isinulat ni KnightInBlack. Para sa akin, naging Hell University ang pamagat ng librong ito dahil ang unibersidad na ito ay maraming mga nakatagong sikreto, ang mga sikretong ito ay kailangang alamin ng mga tauhan dahil kung ang mga sikretong ito’y makukuha sa iba hindi nila malalaman ang totoong kwento dahil laging may kulang sa lahat ng kanilang nalalaman.
Ang unibersidad pa na ito ay maraming kaganapan gaya ng patayan at pagiging traydor ng mga guro at estudyante. Sa kwentong ito nabasa ko ang mga pinagdaanan ng mga tauhan sa loob ng unibersidad na ito, nakakatakot ang mga nangyari sa kanila at sinubok nito ang pagtitiwala nila sa bawat isa. Kaya masasabi ko na ang pamagat ng kwentong ito ay naayon dahil ang kanilang paaralan ay mala impyerno sa dami ng kasamaang naganap dito.
B. Uri ng panitikan at genre
C. Pagpapakilala sa may akda
II. Pagsusuring Pangnilalaman
A. Tema/Paksa
B. Mga Tauhan, Tagpuan, Panahon
a. Zein Shion (Zein) - Siya ang isa sa pangunahing tauhan at naging sekretarya ng SSG.
b. Ace Craige (Supremo/Ace) - Kilala siya ng karamihan dahil siya ang presidente ng student council.
c. Matt, Jerome, Dave, Mia, at Vanessa - Sila ang mga kaibigan ni Zein na kasama niya sa pagpasok sa Hell University.
d. Madam Violet - Siya ang headmistress ng Hell University.
e. Nurse Cha - Siya ang madalas na tumulong sa mga kaibigan ni Zein kapag sila ay may karamdaman.
f. Onel Ty - Siya naman ang vice president ng Student Council.
g. Raze Silvenia - Siya ay lider ng Devil God Warrior.
h. Nazzer Lumia - Siya ang lider ng Black Blood Gang.
Mga Tagpuan:
a. Hell University - Ito ay misteryosong paaralan sa gitna ng kagubatan kung saan ay legal ang pagpatay.
b. Dormitory - Dito tumutuloy ang mga estudyante na nag-aaral sa Hell University.
c. Cafeteria - Dito nagkikita-kita ang magkakaibigan upang kumain at para kamustahin ang isa’t isa.
d. Gymnasium - Dito tinitipon ni Madam Violet ang lahat ng mag-aaral kapag mayroon siyang mahalagang sasabihin.
e. SSG Office - Dito nagkakaroon ng pagtitipon ang mga kasapi ng Student Council.
Panahon:
Ang kwento ay naganap sa panahon ng pasukan ng mga mag-aaral ng senior high school. Kung saan nag enroll ang magkakaibigang sina Zein, Vanessa, Mia, Jerome, David at Matt. Hindi naging masaya ang kanilang unang araw ng pagpasok sa paaralang ito, dahil mas nangibabaw ang kuryosidad nila dahil sa pagtingin ng masama sa kanila ng mga estudyante rito. Maraming pagsubok ang pinagdaanan nila sa paaralang ito at ang mga yon ay nagsilbing aral sa kanilang lahat.
C. Estilo ng pagkakasulat ng may akda
III. Pagsusuring Pangkaisipan
A. Kakintalan/Kaisipan
Isa pang aral na nakita ko ay huwag tayong basta magtanim ng sama ng loob sa isang taong naglilihim ng sikreto sa atin. Tulad ng nangyari sa kwento na dahil sa pagtataguan ng sikreto ay muntik na mawalan ng tiwala si Zein sa kaniyang mga kaibigan. Lagi dapat nating isipin na hindi agad dapat natin pag-iisipan ng masama ang isang taong may sikreto sa atin, ang dapat nating gawin ay alamin kung ano nga ba ang dahilan ng paglilihim nila at unawain natin ang sasabihin nila pagkatapos ay tsaka tayo gumawa ng mga hakbang upang magkaroon ng solusyon ang mga bagay na hindi pagkakaunawaan.
B. Kulturang masasalamin
IV. Lagom
Sa gitna ng kawalan, isang grupo ng anim na magkakaibigan ang napadpad sa misteryosong paaralan na nakatago sa mundo. Dahil sa kanilang kuryosidad ay pumasok sila sa loob ng paaralan, sinalubong sila ng head administrator at ikinagulat ng magkakaibigan ang sinabi nito na walang bayad ang paaralang ito at ang lahat ay libre. Ang lahat ng tao dito’y malayang gawin ang kanilang gusto.
Ang paaralang ito ay may isang pinagbabatayan na panuntunan ito ay ang “Once you enter, there’s no turning back!”. Dahil pinasok ng magkakaibigan ang lugar na ito ay wala na silang nagawa kundi ang lumaban para sa kanilang buhay at upang alamin kung ano nga ba ang mga misteryong nakatago sa pamamagitan ng kanilang paraan.
V. Reaksyon at Mungkahi
Ang aking libro ay nahati sa dalawang bahagi kaya naman ang aking bibigyang reaksyon ay ang unang bahagi lamang. At bilang isang first-timer sa pagbasa ng mga ganitong uri ng libro ay masasabi ko na maganda naman ang takbo ng kwento dahil may mga misteryosong pangyayari na agad na naganap sa iilang kabanata ng unang libro. Ngunit hindi ko pa masabi kung maganda nga ba ang kabuohan ng kwento dahil ang book 1 pa lang ang aking nababasa, umaasa ako na maging mas maganda at maging kapanapanabik pa ang mangyari sa ikalawang bahagi ng libro. Ang aking mungkahi naman para sa manunulat na si KnightInBlack ay sana sa susunod na pag publish niya ng kaniyang mga libro ay hindi na sana masyado magkaroon ng grammatical error at typos ang niyang gawang kwento. Sana din ay ipagpatuloy niya ang pagsulat ng mga kwento o nobelang katulad ng Hell University.

